Wala na ang init ng pagtatalo nang umakyat si Padre Florentino sa kubyerta. Sa halip ay nagkakasiyahan na ang umpukan ng mga pari't mahahalagang tao sa lipunan na may hawak na ng mga kopita, kasama pa rin sina Don Custodio at Ben Zayb. Habang pinagmamasdan nila ang magandang kapaligiran ay nagkukwentuhan sila na may tawanan at pagbibiruan. Dumaan na sila sa bayan ng Pasig at kaakit-akit sa paningin nila ang mga bahay na abot-tanaw mula sa lawang pinaglalakbayan nila. Naroon din ang payat na Franciscano bagama't hindi gaanong maingay.
"Masamang panahon! Masamang Panahon!" may himig pagbibirong wika ni Padre Sibyla.
"Hindi kayo dapat nagsasalita ng ganyan, Vice Rector sapagkat nagtatamasa kayo ng magandang kabuhayan sa inyong mga kalakal sa Hongkong at mga paupahang bahay," ang nakangiting tugon ni Padre Irene.
"Aba, hindi ninyo alam ang aming ginagastos!" agad na tutol ni Padre Sibyla.
"Ang mga nagbabayad ng buwis sa hasyenda ay nagsisimula nang tumutol."
"Huwag na kayong dumaing at baka mapaiyak pa ako," tumatawang sabad naman ni Padre Camorra. "Kami ay walang hasyenda o bangko. Maging ang mga Indiyo ay tumatawad sa pagbabayad ng buwis at humihingi pa ng taripa gaya nang ipinatupad noon ng Arsobispo Basilio Sancho. Nagtaasan na ang presyo ng mga bilihin ngunit ang nais nilang ibayad na halaga sa binyag ay mura pa sa halaga ng isang manok. Nagbingi-bingihan na lamang ako at tinatanggap ang anumang halagang makakayanan nila. Hindi kami dumaraing sapagkat ayaw naming maging mapagkamkam. Hindi ba, Padre Salvi?"
Mula sa hagdanan ay lumitaw ang ulo ni Simoun na umaakyat galing sa ilalim ng kubyerta.
"Saan ba kayo galing?" Hindi tuloy ninyo nakita ang pinakamagandang bahagi ng paglalakbay na ito?" pasigaw na wika ni Don Custodio na tuluyan nang nawala ang inis sa tinig.
"Marami rin akong nakitang magandang tanawin at ilog, subalit ang higit na kawili-wili sa akin ay ang pag-alala sa mga alamat," ani Simoun.
"Kung alamat ang pag-uusapan ay marami niyan dito sa Ilog Pasig," ang sagot ng Kapitan na halatang malaki ang pagpapahalaga. "Ang Alamat ng Malapad na Bato. Noong bago pa dumating ang mga Kastila ay sagrado at pinaniniwalaang espirito sa batongbuhay. Ngunit nawala ang ganoong paniniwala mula nang gawing kuta at tirahan ng mga tulisan."
"May isa pang alamat na alam naman ni Padre Florentino. Ang Alamat ni Donya Geronima."
"Alam na ng lahay iyan." wika ni Padre Sibyla.
"Ngunit hindi pa batid nina Simoun, Ben Zayb, Padre Irene at Padre Camorra ang alamat kaya't hiniling na ikwento iyon ni Padre Florentino."
"Ayon sa kwento, si Donya Geronima ay isang estudyanteng kasintahan ng isang binatang nagpari sa kabila ng pangakong pakakasalan siya. Naghintay ito na tuparin ang pangako hanggang sa tumaba at tumandang dalaga. Nagsuot-lalaki ito at hinanap ang pari nang malamang maging arsobispo na ito. Dahil hindi maaaring pakasalan ng pari ang babae, itinira niya ito sa kweba. Dito nanirahan, namatay at napalibing ang babae. Sinasabing dahil sa naging napakataba ni Donya Geronima ay kailangang tumagilid ito upang makapasok sa kweba. Ang entrada ng kweba ay napalalamutian ng sala-salabid na mga baging. Pinagkamalan siyang engkantada dahil sa mga pinggan at kubyertos na pilak na inihahagis niya sa ilog matapos gamitin. Sinasalo naman ang mga iyon ng isang lambat na nakalatag sa ilalim ng tubig. Wala pang dalawampung taonang nakararaan, ang ilog ay umurong at naglaho ang kweba tulad ng paglaho ni Donya Geronima sa memorya ng mga AIndiyo."
"Napakagandang alamat! Gusto kong gawan ng isang artikulo," pahayag ni Ben Zayb.
Sasabihin sana ni Donya Victoria ang kagustuhan ding manirahan sa isang yungib subalit naunahan siya ni Simoun sa pagsasalita.
"Sa inyong palagay, Padre Salvi?" hinarap ni Simoun ang Franciscano. "Hindi kaya mas mabuting ipinasok ng arsobispo si Donya Geronima sa isang beateryo, halimbawa'y sa Sta. Clara kaysa sa isang kweba siya tumira."
Nagtaka si Padre Sibyla sa direktang pagtatanong ni Simoun kay Padre Salvi.
"Sapagkat para sa akin ay hindi naging marangal iyon," pagpapatuloy ni Simoun. "Hindi kabanalang matatawag ang patirahin si Donya Geronima sa isang kwebang nasa pampang ng ilog at gawing isang engkantadang kalaro ang mga nimpa, o iba pang mga lamang tubig. Higit na kabanalan o matatawag na romantiko ang itira o ikulong na lamang sa Sta. Clara upang madalaw o malibang namang paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo?"
"Hindi ko mahuhusgahan ang pinawa ng arsobispo," tugon ng Franciscano sa tanong ni Simoun.
"Bilang isang gobernador eklesiyastiko, kung kayo ang nasa posisyon ng arsobispo, ano ang inyong gagawin?"
"Hindi na mahalagang pag-isipan o pag-aksayahan ng panahon ang isang bagay na hindi naman mangyayari," marahang tugon ni Padre Salvi. "Alalahanin na lamang natin ang pinakamagandang milagrong nagawa ni San Nicolas."
Nagkwento si Padre Salvi tungkol sa isang Intsik na hindi binyagan na nabagbag ang bangka sa ilog at muntik nang sagpangin ng buwaya. Tumawag sa santo ang Intsik at himalang naging bato ang buwaya dahil sa himala ni San Nicolas.
"Kahanga-hanga!" sabad ni Ben Zayb. "Hindi kapani-paniwalang ang isang Intsik na hindi binyagan ay gawan ng himala ng isang santong hindi naman niya pinaniniwalaan. Nais kong isulat bilang artikulo ang alamat na ito."
"May dalawang katanungan kang maaaring idagdag sa iyong isusulat na artikulo. Una, ano kaya ang nangyari sa buwayang naging bato? Ikalawang tanong, ang mga natuyong hayop kaya na nakita ko sa mga museo sa Europa ay bunga rin ng mga sinaunang santo?" pakli ni Simolun.
"Sino'ng makakapagsabi?" tanong ni Padre Camorra.
"Dahil alamat ang ating pinag-uusapan at tayo'y nakapasok na sa lawa, marahil ang kapitan ay maraming nalalaman," ani naman ni Padre Sibyla.
Nagtanong si Ben Zayb. "Oo nga pala, Kapitan. Alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra, O Ibarra?"
Lahat ay napatingin dahil sa tanong na ni Ben Zayb maliban kay Simoun na nasa malayo ang tingin.
"Siyanga|" agad namang sabad ni Donya Victorina. "Saan nga ba rito, Kapitan? May naiwan kayang bakas diro sa tubig?"
Tumingin kayo sa dako roon," ang panimulang wika ng kapitan. "Ayon sa kwento ng kabo ng mga kabo ng mga kawal na tumutugis kay Ibarra, tumalon ito at sumisid nang masukol. Sa tuwing iaangat niya ang ulo ay pinauulanan siya ng mga bala. Hanggang sa naglaho na siya sa kanilang paningin at sa dakong iyon na malapit sa pampang, ang tubig ay nagkulay-dugo. Labintatlong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari iyon."
"Kung ganoon, ang kanyang bangkay ay....." tanong ni Ben Zayb.
"Nakasama na ng kanyang ama sa ilog na ito," tugon ni Padre Sibyla.
"Hindi ba't isang pilibustero ang kanyang ama, Padre Salvi?"
"Pinakamurang libing, hindi ba Padre Camorra?" tanong naman ni Ben Zayb.
"Ang isang pilibustero kailanman ay hindi magkakaroon ng marangyang libing." nakatawang tugon ni Padre Camorra.
"Ano'ng nangyari sa inyo. Ginoong Simoun?" usisa ni Ben Zayb. "Kayo ba'y nahihilo na sa paglalakbay na ito? Isa kayong manlalakbay. Nalulula ba kayo sa ganitong klaseng ilog ng isang patak lamang ng tubig ang laman?"
"Dapat ninyong malamang hindi maaaring ihalintulad sa isang patak na tubig ang ilog na ito. Higit na malaki ang lawang ito sa alinmang lawa sa Suisa o mga lawa sa Espana. Ang mga sanay na marino at mandaragat ay nahihilo rito," pagtatanggol ng kapitan sa lawang napamahal na sa kanya.
No comments:
Post a Comment