Biomass energy -- Enerhiyang mula sa mga halaman gaya ng mga punungkahoy, soya, mais at iba pang produktong agrikultural. Isa ito sa mga pangunahing uri ng enerhiyang ginagamit ngayon.
Geothermal energy -- Mula sa init sa kailaliman ng mundo. Malinis ang enerhiyang ito at renewable gaya ng magma mula sa mga bulkan. Kinakailangan ang malalim na pagbabarena o pagdi-drill upang maabot ito at makuha ang enerhiya.
Hydrogen energy -- Ito ay ikatlo sa mga elementong saganang matatagpuan sa mundo. Para makakuha ng hydrogen,; ihiwalay ito mula sa carbon sa pamamagitan ng init, bakterya, o algae mula sa photosynthesis mula sa paghihiwalay nito mula sa oxygen ng tubig sa pamamagitan ng init ng araw. Hinuhulaan ng ilang mga eksperto na ito ang susunod na enerhiyang gagamitin pagkatapos ng enerhiyang fossil.
Hydropower energy -- Tinatawag din itong hydroelectric power.. Mula sa umaagos na tubig sa turbina, nakalilikha ito ng kuryente. Pangkaraniwan itong ginagamit sa panahong ito gaya ng biomass energy.
Ocean energy -- Dalawang uri ang enerhiyang nakukuha rito -- enerhiyang thermal at mechanical. Sa enerhiyang thermalginagamit ang init na tinatanggap ng ibabaw ng karagatan mula sa araw upang mapaandar ang mga generator at sa enerhiyang mechanical, ang pagtaas naman at pagbaba ng tubig dahil sa low at high tides.
Solar energy -- Gumagamit ng init at sinag ng araw. Pangkaraniwan din itong ginagamit sa mga tahanan at unti-unting pinauunlad para sa mga sasakyan ngayon.
Wind energy -- Gumagamit ng turbinang pinaiikot ng ihip ng hangin. Nakakabit ito sa isang mataas na poste.
No comments:
Post a Comment