Fashionista Girl

Tuesday, January 10, 2017

SI JUAN TAMAD AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw ay inutusan ni Aling Petra ang anak na si Juan. Pinabili niya ito ng alimango sa palengke. May darating silang bisita na manggaling pa sa Maynila. Gusto niyang Hainan ng masarap na ulam ang bisista para masiyahan ito.
       “ Sabihin mo sa tindera na matataba at malalaki ang ibibigay sa iyo, “ bilin pa niya sa papaalis na anak.
       “ Opo, inang,” sagot naman ni Juan.
       Nang makarating ng palengke ay hinanap ni Juan si Aling Bebang. Si Aling Bebang na mag-aalimango ay suki ng kanyang inang. Madali naman niyang nakita ang pwesto nito.
       “ O, Juan, bibili ka ba ng alimango?” tanong agad sa kanya ni Aling Bebang.
       “ Opo. Sabi po ng inang, “ yung malalaki daw po at matataba ang ibigay ninyo sa akin.”
       Agad  naming namili ng malalki at matatabang alimango si Aling Bebang. Lima ang kanyang napili. Pinagsama-sama niya ang lima sa isang tangkas at ibinigay kay Juan . Matapos magbayad ay nagpaalam na si Juan para umuwi.
       Nang malayu-layo na ang nalalakad ni Juan ay sinumpong na naman siya ng katamaran. Mabigat kasi ang limang alimango dahil malalaki at matataba. Naisip niyang kalagan na lamang ang mga alimango at palakarin hanggang sa kanila. Isa-isa niyang inalis ang pagkakatali ng mga alimango at saka pinalakad ang mga ito. Tamang-tama naman na tabing ilog ang kanilang dinadaanan. Mabilis na nagsikalad ang mga alimango kaya natuwa si Juan hindi na siya mahihirapan. Ngunit sa ilog lahat nagsituloy ang limang alimango.
     Iyan ang kwento ni Juan Tamad. Kung naging matiyaga lamang siya ay matutuwa sana ang kanyang ina sa kanyang pagdating na dala-dala ang mga malalaki at matatabang alimango na ipinabili sa kanya ng kanyang ina.

No comments:

Post a Comment