Fashionista Girl

Tuesday, January 10, 2017

SI MARIANG MAKILING - BUOD

Buod:
           
            Sa bundok ng Makiling na makikita sa pagitan ng Quezon at Laguna, ay may nakatirang babaeng nagngangalang Maria, isang magandang dilag at may napakagandang kalooban na sadyang walang kapantay.  Kakaiba ang kanyang mga katangian dahil siya ay mabait, mapagbigay, matulungin, at magalang.

            Ang mga katangian niyang ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga tao lalo na sa mga dukha.

            Mahilig siyang makisalamuha sa mga taong nasa paligid niya.  Sa kanyang pag-alis at pagbisita sa nayon ay nagbibigay ng mga damit at alahas.  Subalit sa kabila ng lahat, nangingibabaw pa rin ang kasamaan ng taganayon.  Pag-iimbot ang isinukli nila sa kabutihan ni Maria at pagmamalabis.  Lubhang nasaktan si Maria sa mga asal ng mga taganayon at pagdaan ng mga araw, hindi na siya bumisita at nakikita pa.

            At kalaunan, at unti-unti nang humina ang ani ng mga tao at laging binabagyo, kasabay nito naririnig ng mga taganayon ang mapaghiganting halakhak ni Mariang Makiling.
  
     Natutunan ko sa kwentong ito na dapat ibahagi natin ang lahat ng pagpapala sa higit na nangangailangan.  Sabi nga, mas pinagpapala ang sinumang nagbibigay.  At sa ating pagbibigay, huwag tayong maghangad ng kabayaran.  Ito’y dapat na bukal sa ating kalooban.  Sapat na ang sinserong pasasalamat mula sa mga natulungan.

                May mga taong hindi marunong makuntento sa mga bagay na mayroon sila.  Kadalasan sila’y naghahangad pa ng higit sa kung ano ang natanggap nila at umaabuso na.  Suklian natin ang lahat ng kabutihang natatanggap natin mula sa ating kapwa.  Hindi rin naman material na bagay lamang ang maaaring ibahagi sa ating kapwa.  Ang mga talento at bukal na pagtulong ay ilan lamang sa mga ito.  Matuto tayong magpasalamat at matuto rin tayong makuntento at huwag maghangad ng labis.

No comments:

Post a Comment