Fashionista Girl
Saturday, January 7, 2017
MGA KASABIHAN
Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin
Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila. Kung hindi ka naman marunong magpahalaga sa kapwa mo, wala ring magpapahalaga sa iyo.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga
Madalas na ginagamit sa paghahambing ng pag-uugali anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuting anak ay
karaniwang ibinubunga ng mabuting mga magulang samantalang masamang mga anak ang bunga ng mga masamang mga magulang.
Kung may isinuksok, may dudukutin
Matutong magtipid at mag-ipon upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.
Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa
Hindi sapat na tayo ay humingi lang awa sa Diyos kundi, kailangan din nating magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya. Halimbawa, gusto mong magkaroon ng matataas na marka sa pagsusulit, hindi mo makakamit yon sa papamagitan lang ng panalangin. kailangan mo din namaglaan ng panahon sa pag-aaral , pagsisikap at pagtyatyaga.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy
Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng
maaaring maging hadlang o mga balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay
hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang
nakalaan para sa isa't-isa.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot
Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat
magtipid at gumastos lamang ng ayon sa ating kaya kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin. Huwag maging maluho.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao. Kaya dapat iwasan ang paninira sa ibang tao nang malayo sa gulo.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak
Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya rin pala ang may gawa o may sala.
Kung hindi ukol, hindi bubukol
Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
talagang nakalaan para sa iyo kahit na ano pang pagsisikap ang iyong gawing hakbang.
Kahit saang gubat, ay mayroong ahas
Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. Maaring resulta ito ng inggit at galit kya may mga taong traydor.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment