Ang tula ay maaaring may sukat o malayang taludturan. Kung ang tula may sukat, ito ay binubuo ng taludtod na may bilang ng pantig, tugma, indayog, damdamin, piling mga salita, at tayutay. Subalit kung ito ay malayang taludturan, ito ay wala nang sinusunod na sukat o tugma subalit ito ay nagtataglay pa rin ng damdamin, tayutay, at mga piling salita.
Mga Uri ng Tula
1. Tula ng Damdamin -- nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng kalungkutan, kaligayahan, pagkabigo.
2. Tulang Salaysay -- naglalahad ng isang kuwento o pangyayaring magkakaugnay.
3. Tula ng Dulaan -- naglalarawan ng madudulang pangyayaring halos tulad ng nagaganap sa totoong buhay na may layong itanghal.
No comments:
Post a Comment