Ang tayutay ay patalinghagang pagpapahayag o paglalarawang kakaiba sa karaniwang paraan. Ito ay ginagamit upang maging mabisa, masining, at kawili-wili ang paglalarawan.
URI NG TAYUTAY
1. Simili -- Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, at pangyayari; ginagamitan ng mga salitang tulad, wangis, wari, kapara, o mala at ng salitang nais idikit dito.
Halimbawa:
Mala-paraiso ang kagubatang pinuntahan nina Jose at Pedro.
Parang maamong tupa ang magnanakaw nang nahuli ng mga pulis.
2. Metapora -- Tiyakan o tuwirang paghahambing; hindi na gumagamit ng mga salitang tulad, wangis, wari at iba pa.
Halimbawa:
Isang maamong tupa ang magnanakaw nang nahuli ng mga pulis.
3. Personipikasyon -- Pagsasalin ng mga talino at katangian ng tao sa hindi tao.
Halimbawa:
Lumuha ang langit nang lumisan si kabayan.
4. Pagmamalabis -- Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay. o pangyayari: ginagamit upang ipakita ang sukdulang pangyayari.
Halimbawa:
Hindi mahulugang karayom ang mga tao sa pagbisita sa parke kung saan naroroon si Ann Kurtis.
5. Pagtawag -- Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ito'y buhay na tao o di kaya ay sa isang tao gayong wala naman ay parang naroo't kausap.
Halimbawa:
Ikaw, Kabayan, ang isa sana sa mga magpaparami ng inyong lahing nauubos na.
No comments:
Post a Comment