PAHINTULOT --- pagpayag; permiso
Halimbawa: Hindi pa ako makalalabas ng bahay kasi hinihintay ko pa ang pahintulot ni Tatay.
HUDYAT --- tanda; signal
Halimbawa: Walang tatakbo hangga't hindi pa ibinibigay ang hudyat ng pagsisimula ng laro.
MAWIWILI --- magugustuhan
Halimbawa: Tiyak na mawiwili siya sa iyong dalang mga aklat. Mahilig kasi siyang magbasa.
NANGANGAMBA --- nag-aalala
Halimbawa: Nawalan ng trabaho si Tatay kaya nangangamba akong hindi makasama sa Field Trip natin.
No comments:
Post a Comment