Fashionista Girl

Friday, January 13, 2017

ANO ANG BIOMASS ENERGY, GEOTHERMAL ENERGY, HYDROGEN ENERGY, HYDROPOWER ENERGY, OCEAN ENERGY, SOLAR ENERGY AT WIND ENERGY

Biomass energy -- Enerhiyang mula sa mga halaman gaya ng mga punungkahoy, soya, mais at iba pang produktong agrikultural. Isa ito sa mga pangunahing uri ng enerhiyang ginagamit ngayon.

Geothermal energy -- Mula sa init sa kailaliman ng mundo. Malinis ang enerhiyang ito at renewable gaya ng magma mula sa mga bulkan. Kinakailangan ang malalim na pagbabarena o pagdi-drill upang maabot ito at makuha ang enerhiya.

Hydrogen energy -- Ito ay ikatlo sa mga elementong saganang matatagpuan sa mundo. Para makakuha ng hydrogen,; ihiwalay ito mula sa carbon sa pamamagitan ng init, bakterya, o algae mula sa photosynthesis mula sa paghihiwalay nito mula sa oxygen ng tubig sa pamamagitan ng init ng araw. Hinuhulaan ng ilang mga eksperto na ito ang susunod na enerhiyang gagamitin pagkatapos ng enerhiyang fossil.

Hydropower energy -- Tinatawag din itong hydroelectric power.. Mula sa umaagos na tubig sa turbina, nakalilikha ito ng kuryente. Pangkaraniwan itong ginagamit sa panahong ito gaya ng biomass energy.

Ocean energy -- Dalawang uri ang enerhiyang nakukuha rito -- enerhiyang thermal at mechanical. Sa enerhiyang thermalginagamit ang init na tinatanggap ng ibabaw ng karagatan mula sa araw upang mapaandar ang mga generator at sa enerhiyang mechanical, ang pagtaas naman at pagbaba ng tubig dahil sa low at high tides.

Solar energy -- Gumagamit ng init at sinag ng araw. Pangkaraniwan din itong ginagamit sa mga tahanan at unti-unting pinauunlad para sa mga sasakyan ngayon.

Wind energy -- Gumagamit ng turbinang pinaiikot ng ihip ng hangin. Nakakabit ito sa isang mataas na poste.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

1) Paturol o Pasalaysay – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagsasaad ng isang pahayag; nagtatapos sa tuldok (.)
1    
                     Halimbawa:
                                Malaki ang magagawa ng pakikiisa upang mapangalagaan ang ating kalikasan.



2) Patanong – uri ng pangungusap na nag-uusisa o nanghihingi ng kasagutan o paliwanag : nagtatapos sa tandang pananong (?)

                   Halimbawa:
                              Aalis ka na ba ngayon o bukas pa?



3) Pautos o Pakiusap – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapagawa o pakikiusap na ipagawa ang isang bagay. Gumagamit ng bantas na tuldok (.). 


             

                    Halimbawa:
                               Magluto ka na ng hapunan.


4) Padamdam – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin sa pagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, gulat, poot, sakit at iba pa. Gumagamit ito ng bantas na tandang padamdam (!). 


                 Halimbawa:
                            Yehey! Kasama ako sa Field Trip.

Thursday, January 12, 2017

ANO ANG TAYUTAY

     Ang tayutay ay patalinghagang pagpapahayag o paglalarawang kakaiba sa karaniwang paraan. Ito ay ginagamit upang maging mabisa, masining, at kawili-wili ang paglalarawan.


URI NG TAYUTAY

     1. Simili -- Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, at pangyayari; ginagamitan    ng    mga salitang tulad, wangis, wari, kapara, o mala at ng salitang nais idikit dito.

           Halimbawa: 
                   Mala-paraiso ang kagubatang pinuntahan nina Jose at Pedro.
     
                  Parang maamong tupa ang magnanakaw nang nahuli ng mga pulis.

     2. Metapora -- Tiyakan o tuwirang paghahambing; hindi na gumagamit ng mga salitang tulad, wangis, wari at iba pa.

             Halimbawa:
                     Isang maamong tupa ang magnanakaw nang nahuli ng mga pulis. 

     3. Personipikasyon -- Pagsasalin ng mga talino at katangian ng tao sa hindi tao.

            Halimbawa:
                    Lumuha ang langit nang lumisan si kabayan.

     4. Pagmamalabis -- Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay. o pangyayari: ginagamit upang ipakita ang sukdulang pangyayari.

            Halimbawa:
                    Hindi mahulugang karayom ang mga tao sa pagbisita sa parke kung saan naroroon si Ann Kurtis.

     5. Pagtawag -- Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ito'y buhay na tao  o di kaya ay sa isang tao gayong wala naman ay parang naroo't kausap.

              Halimbawa: 
                      Ikaw, Kabayan, ang isa sana sa mga magpaparami ng inyong lahing nauubos na.

          



             

ANO ANG TULA

     Ang  tula ay maaaring may sukat o malayang taludturan. Kung ang tula may sukat, ito ay binubuo ng taludtod na may bilang ng pantig, tugma, indayog, damdamin, piling mga salita, at tayutay. Subalit kung ito ay malayang taludturan, ito ay wala nang sinusunod na sukat o tugma subalit ito ay nagtataglay pa rin ng damdamin, tayutay, at mga piling salita.


Mga Uri ng Tula

     1. Tula ng Damdamin -- nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng kalungkutan, kaligayahan, pagkabigo.

     2. Tulang Salaysay -- naglalahad ng isang kuwento o pangyayaring  magkakaugnay.

     3. Tula ng Dulaan -- naglalarawan ng madudulang pangyayaring halos tulad ng nagaganap sa totoong buhay na may layong itanghal.





Wednesday, January 11, 2017

ANO ANG KAHULUGAN NG MAAGAP, MAKAKASALAMUHA, KANTYAW AT NAIPATALA

MAAGAP --- MABILIS

     Ang batang may sakit ay maagap na nadala sa ospital kaya nailigtas sa kamatayan.

MAKAKASALAMUHA --- MAKAKASAMA

     Iba't-ibang uri ng tao ang makakasalamuha natin sa araw-araw ng ating buhay kaya dapat tayong mag-ingat.

KANTYAW --- TUKSO; BIRO

     Hindi pinansin ni Nognog ang kantyaw ng kanyang mga kaklase.

NAIPATALA --- nai-enrol

     Si Vanessa ay naipatala ng kanyang ina sa paaralan sa unang araw ng klase.

ANO ANG KAHULUGAN NG PINAGDAUSAN, NAGMUMULA, BUMULAGA AT BAHAGYA

PINAGDAUSAN --- PINAGSAGAWAAN

     Ang Manila Hotel ang pinagdausan ng pambansang pulong ng mga negosyante.

NAGMUMULA --- NANGGAGALING

     Sa Baguio nagmumula ang maraming gulay.

BUMULAGA --- GUMULAT

     Isang malaking aso ang bumulaga sa nakapasok na magnanakaw sa bahay nina Sonny.

BAHAGYA --- KAUNTI

     May bahagya nang lagnat ang batang nakagat ng aso.

ANO ANG KAHULUGAN NG MAKULAY, KULUBOT, MAINGGITIN AT UMIINDAK

MAKULAY --- puno ng kulay; buhay na buhay ang kulay

     Ang gumamela at yellobell ay parehong makulay.

KULUBOT --- hindi makinis

     Ang balat ng matanda ay kulubot.

MAINGGITIN --- ugaling gustong magkaroon ng ano mang makita sa kapwa

     Hindi mo dapat gayahin ang kalaro mong si Belle dahil siya ay batang mainggitin.

UMIINDAK --- SUMASAYAW

     Ang mag-asawa ay umiindak sa saliw ng masayang tugtugin.