Fashionista Girl

Friday, March 30, 2018

Kahulugan ng malawak, halimuyak, makasarili, yabag, pumukaw, niyebe, binansagan, nabighani, dalamhati, at inasam

Talasalitaan:


_­_­_­_­__­_­_­_­__ 1. malawak
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 2. halimuyak
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 3. makasarili
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 4. yabag
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 5. pumukaw
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 6. niyebe
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 7. binansagan
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 8. nabighani
_­_­_­_­__­_­_­_­__ 9. dalamhati
_­_­_­_­__­_­_­_­__10. inasam

Sagot:

1. maluwang
2. bango
3. sakim
4. yapak
5.gumising o umudyok
6. yelo
7. tinagurian
8. naakit
9. lungkot
10. hinangad

Ang Higanteng Maramot



Tuwing hapon pagkatapos ng pasukan, ang mga bata ay naglalaro  sa hardin ng isang higante. Ang harding ito ay maganda at malaki. Dito makikita ang magagandang puno, magagandang bulaklak at mga ibong nag-aawitan.

     "Ang saya natin dito," wika ng mga bata.

     Isang araw, dumating ang higante mula sa bahay ng matalik niyang kaibigan- si Tikbalang na kasa-kasama niya ng pitong taon. Nakita niya ang mga batang nagkakatuwaan sa kanyang hardin. Galit na galit niyang nilapitan at pinaalis sa kanyang tahanan dahil kung hindi, ikukulong niya ang mga ito.

     Wala nang lugar na mapaglalaruan ang mga bata. Naglaro na lamang sila sa kalsada, ngunit ito'y masyadong marumi at mabato. Bukod pa roon, maraming sasakyan ang paroo't parito. Nagkasya na lamang sila sa pagsilip sa mga rehas ng bakod ng higante. 

     Pagkaraan ng maraming buwan, dumating na ang oras ng pamumulaklak ngunit ang hardin ng higante ay nanatiling tuyo ang lupa at lanta ang mga punong-kahoy at halaman. Wala nang kumakantang mga ibon sapagkat wala na ang mga bata at kahit isang puno ay ayaw na ring mamunga.

     Tanging nasisiyahang tyanak at dwende na lamang ang naroroon. At dahil dito, wala na ring mga taong nagagandahan sa hardin.

     Ipinagtaka ng higante ang hindi pamumulaklak ng kanyang mga halaman, ang pamumunga ng kanyang mga puno at higit sa lahat ang pagkawala ng mga ibong siyang nagbibigay-aliw sa kanyang hardin. 

     Hindi na dumating ang oras ng pamumulaklak ng mga puno, gustuhin man niyang humingi ng mga bulaklak sa iba ay hindi na rin siya binibigyan dahil galit na rin ang mga ito sa kanya. Kaya naman, ang tanging nakikita na lamang niya ay ang padilim na padilim na hardin dahil sa patuloy na pagtubo ng mga baging at talahib na mas lalong nagpapangit dito.

     Isang araw, sa kanyang paggising ay nakarinig siya ng isang  himig na mala-anghel sa ganda. "Ito na marahil ang hinihintay ko-ang oras ng pamumulaklak ng aking mga puno." mabilis na wika ng higante.

     Patakbo siyang lumabas sa kanyang kwarto at namangha siya sa kanyang nakita. Ang kanyang hardin ay tila paraiso sa ganda. Ang mga puno ay masasayang naghaharutan kasama ang mga ibong nagliliparan. Ang mga lantang bulaklak ngayo'y idinuruyan ng hangin. At sa gitna nito ay naroon ang isang batang nagmamay-ari ng mala-anghel na boses, nakaupo at masayang pinagmamasdan ang nangaroong makukulay na halaman.
     
     Sadyang napakagandang pagmasdan ngunit ang kanyang ipinagtataka ay kung bakit sa isang bahagi ng hardin ay naroon pa rin ang mga punong balot ng mga baging. Ngunit sa kabila ng kapangitan nito ay isang bata ang nagpupumilit na umakyat sa itaas pero sa kasamaang palad ay pinagkaitan ng mga baging na naroon sa katawan ng puno. 

     Dito napagtanto ng higante ang kanyang kamalian, ang kanyang pagiging maramot sa mga bata. Ang mga batang nagbibigay-aliw sa kanyang mga halaman kung kaya't walang sawang namumulaklak ang mga ito.

     Kaagad na winasak ng higante ang malaki at mataas na pader ng kanyang tirahan upang ang mga kabataan ay muling makapasok dito at makapaglalaro sa kanyang hardin.

     Araw-araw, naglalaro ang mga bata. Isang gabi habang sila ay nagpapaalam sa higantge, napansin nitong wala na ang batang maliit na tinulungan niya sa pag-akyat sa puno. Hinanap niya ito. Nagtanong-tanong siya sa kanyang mga kapit-bahay, ngunit hindi rin nila ito nakita. Hanggang sa siya ay tinubuan na ng mga uban sa paghihintay sa muling pagbabalik nito sa kanyang hardin.

     Isang hapon, malungkot na nakaupo ang higante. Laking gulat niya ng makita ang isang punong nagliliwanag sa mga alitaptap at humahalimuyak dahil sa mga bulaklak. Sa ibaba nito ay naroon ang batang matagal at matyaga niyang hinihintay, nakaupo.

     Tumakbo siyang palabas at lumapit sa bata. Laking gulat niya nang makita ang mga dugong dumadaloy sa mga palad nito, na tila sugat ng pagkakapako. Galit na galit siya sa kanyang nakita. Nais niyang sugurin ang may gawa nito nang biglang nagwika ang bata. "Ang sugat na ito ay tanda ng aking pagmamahal."

     "Sino ka?" paiyak na wika ng higante, sabay luhod at yakap sa batang nasa kanyang harapan.

     "Pinaglaro mo ako sa iyong hardin noon. Ngayon, ikaw naman ang isasama ko sa aking hardin sa dako roon," tanging sagot ng bata sa higante. 

      Kinabukasan ay natagpuan ng mga bata ang higante na mapayapa at nakangiting nakahiga sa tabi ng isang puno. 


Aral na napulot:

      Ang pagiging mapagbigay sa kapwa ay nagdudulot ng kaligayahan sa puso.
             

Thursday, March 22, 2018

Susi ng Tagumpay Isinulat ni Flor S. Gorospe (Isang Pabula}

  Noong unang panahon ay may isang kaharian na ang mga naninirahan ay pawang mga tutubi. Ang naghahari rito ay ang napakabait na si Haring Dragon. May laya ang lahat ng kanyang nasasakupan na gumala sa kanyang kaharian.
 
     Isang umaga ang hari ay naglalakad-lakad sa bulwagan ng palasyo ay napatapat siya  sa isang malaking salamin. Mataman niyang pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin.

     "Aba! Malaki na pala ang aking itinanda at anumang oras o araw ay lilisanin ko na rin ang palasyo," naibulong ng hari sa kanyang sarili.

     "Kailangang makilala ko nang lubusan ang aking mga nasasakupan nang sa gayon bago ko man sila lisanin ay may maiiwanan akong alaala sa kanila," wika pa ng hari.

     Tinawag ng hari ang kanyang matapat na ministrong tutubi at sinabing, "Ministro, ipagbigay-alam sa lahat ng aking nasasakupan na ang palasyo ay bubuksan sa pagbilog ng buwan at ang lahat ay bibigyan ng pagkakataong magbukas ng aking mahiwagang baul."
 
     Nagsimulang maglakbay ang mga tutubi patungo sa palasyo. Ang ilang napaaga ng dating ay bakuran ng palasyo pansamantalang namalagi habang hinihintay nila ang pagbilog ng buwan, ang palasyo ay binuksan at ang mga tutubing nakikipagsapalaran ay isa-isang pinapasok sa bulwagan. Namangha ang lahat nang makita nila ang mahiwagang baul na nakapatong sa gintong mesang napaligiran ng mahahalimuyak at makukulay  na bulaklak. Ang matandang hari ay masayang nakaupo sa kanyang trono habang pinagmamasdan ang mga pumapasok na makikipagsapalaran.

     Hinipan ng ministro ang tambuli bilang hudyat ng pagsisimula ng pakikipagsapalaran sa pagbubukas ng mahiwagang baul ng hari.

     Ang unang lumapit sa mahiwagang baul ay isang matipunong tutubi at nagwika, "Isang maaliwalas na gabi ang ibinabadya sa Mahal na Haril. Ako po si Tutubing Kalabaw. Taglay ko po ang sapat na lakas at tatag ng katawan upang mabuksan ang mahiwaga ninyong baul."

     "Magsimula ka Ginoong Tutubing Kalabaw at hinahangad ko ang iyong tagumpay," tugon ng hari.

      Hinawakan ni Tutubing Kalabaw ang baul nang napakahigpit at pilit na binuksan ito. Ilang ulit niyang pinihit ang baul ngunit ni hindi niya naigalaw sa kinalalagyan nito. Basang-basa na siya ng pawis at humihingal na. Lupaypay ng ang mga pakpak at lulugo-lugoang matipunong katawang nilisan ni "Tutubing Kalabaw ang harapan ng hari.

     "Huwag kang malungkot Tutubing Kalabaw, ang laki at tatag ng iyong katawan ngayon ay hindi pa sapat upang makabukas sa aking baul. Kaya mula ngayon, ikaw ay bibigyan ko ng pahintulot na makagala sa aking kaharian tuwing umaga upang ang iyong katawan ay masikatan ng araw at lumusog nang lubusan," tagubilin ng hari.

     "Mahal na hari, ako po si Berdugong Tutubi. Sa kulay ng aking katawan, tatag at tigas ng aking ulo ay ipahintulot po ninyong mabuksan ang inyong baul," matatag na wika ng tutubi.

     "Simulan mo at nawa ay mabuksan mo ito," pahintulot ng hari kay Berdugong Tutubi.

     Si Berdugong Tutubi ay nagpaikot-ikot sa baul at ikiniskis ang pulang sinag sa katawan ng baul. Ngunit ang baul ay hindi man lang nagalusan o nakulayan. Kaya biglang nagpuyos si Berdugong Tutubi at pinagsusuntok, pinagtatadyakan at inuntog ang matigas niyang ulo sa baul sa paniniwalang ito na lamang ang nalalabing paraan upang mabuksan niya ang baul.

     Namula nang labis ang ulo at katawan ni Berdugong Tutubi. Nakaramdan siya nang matinding pananakit ng ulo at katawan kaya ipinasyang lisanin ang baul.

    Nagsalita ang hari at aniya, "Berdugong Tutubi sa ipinakita mong kawalang katimpian at madaling pag-iinit ng iyong ulo, mula sa gabing ito ay ang iyong paglabas sa aking kaharian at binibigyan lamang kita ng karapatang makagala rito tuwing takipsilim kung kailan malamig na ang araw upang mabawasan ang init ng iyong ulo at magkaroon ka ng katimpian sa iyong sarili."

     Malungkot na malungkot na nilisan ni Berdugong Tutubi ang bulwagan ng palasyo ngunit taglay niya sa isipan ang bilin ng Mahal na Hari.
     Isang tutubing luntian ang katawan, ang mga pakpak at mga mata ay naninilaw ang lumapit sa baul at nagpugay sa hari.

     "Mahal na Hari, ako po si Tutubing Damo. Taglay ko po ang tikas at liksing wala sa mga naunang nakipagsapalaran. Sa taglay ko pong matinis na tinig ay naniniwala akong mabubuksan ko po ang inyong baul," pagmamayabang na pagpapakilala niya sa hari.

     "Isagawa mo Tutubing Damo at nawa ay sa tinig mo nga mabuksan ang aking baul," pagtitiwalang tugon ng hari.

     Tumayo ang tutubi nang napakatikas at sinimulang awitan ang baul. Iba't ibang awit ang naiawit na ni Tutubing Damo ngunit ang baul ay hindi pa rin tumitinag sa pagkakasara. Hanggang malat na malat na ang hambog na tutubi at sa malaking kahihiyan, patakbong umalis sa harapan ng hari hanggang matabig niya ang isang payat at napakaliit na tutubing naroroon at nanonood sa mga nakikipagsapalaran. Sa pagkakatabig sa kanya, napasubsobsiya sa bulwagan at ang damit niya ay napunit. Pinagtawanan siya ng ibang mga tutubing naroroon at pakutyang sinabi Mahal na Hari na ito ay nakikipagsapalaran din.

      Hiyang-hiya ang maliit na tutubi at hindi malaman ang kanyang gagawin kung aatras o makikipagsapalaran na rin. Tangan ang punit na damit, nakayukong tumalikod sa hari at humakbang papalayo ang maliit na tutubi. Walang ano-ano ay narinig niya ang tinig ng hari at nagwika, "Munting tutubi, ang lahat, malaki man o maliit ay may layang magbukas ng aking baul kung siya niyang nais. Bakit hindi mo subukin ang iyong kakayahang taglay?"

      Sa ganitong winika ng hari, nagkaroon ng lakas ng loob ang maliit na tutubi. Siya ay lumapit sa baul. Lumuhod ito at taimtim na nanalangin.

     "Panginoon, nananalig akong magagawa ko ang imposibleng bagay na ito sa Inyong patnubay at pahintulot," buong pananalig na ipinahayag ng maliit na tutubi.

     Tumayo siya at pinagmasdang mabuti ang baul. Nakita niyang may maliit na butas ito at lumapit ang maliit na tutubi sa butasl. Naisipan niyang ipasok sa butas ang kanyang buntot. Sa isang kisapmata'y bumukas ang mahiwagang baul.

     Isang magandang prinsesa and lumabas sa baul. Namangha ang lahat at nahintakutan naman ang maliit na tutubi.

     "Huwag kang matakot Kamahalan, dahil sa pagkakaligtas mo sa akin sa bilangguang baul na ito ay gagantipalaan kita," wika ng prinsesa.

     "Ipagkakaloob ko ang anumang hilingin mo. Turan mo," malambing na sabi ng prinsesa.

      Sa pagkabigla ng maliit na tutubi ay wala siyang naisip na kahilingan. Ngunit nang mapansin niya ang punit na damit ay hiniling sa prinsesa na siya ay pagkalooban ng isang karayom na ipanunulsi sa punit na damit. Kaagad na tinugon ng prinsesa ang kahilihngan ng maliit na tutubi at saka nagwika. "Kamahalan, ano ang iyong pangalan?" pagtatanong ng prinsesa.

     Muli na namang naumid ang kanyang dila. Sa hindi niya pagsambit sa kanyang pangalan, isang malaking tutubi ang nagsabi at binansagan ang maliit na tutubi na Tutubing Karayom. Nagtawanan ang lahat at pati na ang maliit na tutubi ay natawa na rin. Masayang tinawag ito ng prinsesa sa pangalang Tutubing Karayom at binigyan pa niya ng maganda at kaakit-akit na kulay ang kanyang ulo at buong katawan.

     Mula noon, ang maliit na tutubi ay tinawag na Tutubing Karayom at binigyang layang maglabas masok sa palasyo ng hari. Ang susi ng kabang yaman ng hari ay sa kanya ipinagkatiwala. Kaya mula noon ay hindi na siya pinagtatawanan ng malalaking tutubi at bagkus ay hinagaan dahil sa angkin niyang katapatan at lubos na pananalig sa Panginoon.


Aral na Napulot:
Lahat ng bagay na imposible ay posible sa pananalig sa Diyos. ...wala sa lakas at tikas ng katawan nagagawa ang lahat ng bagay.


 Mga tauhan:
1. Haring Dragon
2. Tutubing Kalabaw
3. Berdugong Tutubi
4. Tutubing Damo
5. Tutubing Karayom
6. Ministro ng Hari
7. Prinsesa
 Buod:
Noong unang panahon ay may isang kaharian na ang naninirahan ay pawang mga tutubi. Ang namumuno sa kanila ay si Haring Dragon. Isang araw, naglalakad ang hari sa loob ng kaharian ng mapatapat sya sa isang malaking salamin na pawing nangangamba na lilisanin na nya ang kaharian na walang maiiwang alaala sa kanya na sasakupan. Papupuntahin ng hari ang kanyang mga nasasakupan sa kaharian upang maipagsapalaran sa pagbubukas ng mahiwagang baul. Binigay alam ito ng ministro ng hari sa mga tutubing kanilang nasasakupan. Nagsimula nang maglakbay ang mga tutubi patungong palasyo.

Isa-isang pinapasok ang mga tutubing makikipagsapalaran sa pagbubukas ng mahiwagang baul. Ang unang lumapit ay si tutubing kalabaw sya ay malaka at matatag ang katawan. Hinwakan nya ang baul at pilit na buksan ito pero nabigo sya. Sumunod ay si berdugong tutubi aniya sa pamamagitan ng kulay ng kanyang katawan, tatag at tigas ng kanyang ulo ay mabubuksan niya ang baul pero nabigo sya. Sumunod ay si Tutubing Damo. Sa pamamagitan dawn g kanyang tinis ng boses ay naniniwala syang mabubuksan nya ang baul. Umawit sya ng ibat-ibang awitin ngunit hindi rin nya nabuksan. Sa hiya y tumakbo sya palayo sa hari at sa paktakbo nya ay natabi nya ang isang tutubing payat at maliit. Sya ay makikipagsapalaran din s pagbukas ng baul, ngunit parang humina ang kanyang loob dahil nung natabig sya ay napunit ang kanyang kasuotan. Pero pinalakas ng Hari ang kanyang kalooban. Kaya humarap syas abaul at may nakita sya na buta. Doon ay pinasok nya ang kanyang munting buntot at bumukas ang mahiwagang baul. Nang pagkabukas ay may isang magandang prinsesa ang lumabas. Pinahiling ang tutubi ng isang kahilingan at ito ay bigyan sya ng karayom sa pantahi sa kanyang napunit na kasuotan. At mula noon ay tinawag na sya Tutubing Karayom.

Wednesday, March 21, 2018

Mga Alamat Ni Gat. Jose Rizal Kabanata 3 ng El filibusterismo

Wala na ang init ng pagtatalo nang umakyat si Padre Florentino sa kubyerta. Sa halip ay nagkakasiyahan na ang umpukan ng mga pari't mahahalagang tao sa lipunan na may hawak na ng mga kopita, kasama pa rin sina Don Custodio at Ben Zayb. Habang pinagmamasdan nila ang magandang kapaligiran ay nagkukwentuhan sila na may tawanan at pagbibiruan. Dumaan na sila sa bayan ng Pasig at kaakit-akit sa paningin nila ang mga bahay  na abot-tanaw mula sa lawang pinaglalakbayan nila. Naroon din ang payat na Franciscano bagama't hindi gaanong maingay.
     "Masamang panahon! Masamang Panahon!" may himig pagbibirong wika ni Padre Sibyla.
     "Hindi kayo dapat nagsasalita ng ganyan, Vice Rector sapagkat nagtatamasa kayo ng magandang kabuhayan sa inyong mga kalakal sa Hongkong at mga paupahang bahay," ang nakangiting tugon ni Padre Irene.
     "Aba, hindi ninyo alam ang aming ginagastos!" agad na tutol ni Padre Sibyla. 
     "Ang mga nagbabayad ng buwis sa hasyenda ay nagsisimula nang tumutol."
     "Huwag na kayong dumaing at baka mapaiyak pa ako," tumatawang sabad naman ni Padre Camorra. "Kami ay walang hasyenda o bangko. Maging ang mga Indiyo ay tumatawad sa pagbabayad ng buwis at humihingi pa ng taripa gaya nang ipinatupad noon ng Arsobispo Basilio Sancho. Nagtaasan na ang presyo ng mga bilihin ngunit  ang nais nilang ibayad na halaga sa binyag ay mura pa sa halaga ng isang manok. Nagbingi-bingihan  na lamang ako at tinatanggap ang anumang halagang makakayanan nila. Hindi kami dumaraing sapagkat ayaw naming maging mapagkamkam. Hindi ba, Padre Salvi?"
     Mula sa hagdanan ay lumitaw ang ulo ni Simoun na umaakyat galing sa ilalim ng kubyerta.
     "Saan ba kayo galing?" Hindi tuloy ninyo nakita ang pinakamagandang bahagi ng paglalakbay na ito?" pasigaw na wika ni Don Custodio na tuluyan nang nawala ang inis sa tinig.
     "Marami rin akong nakitang magandang tanawin at ilog, subalit ang higit na kawili-wili sa akin ay ang pag-alala sa mga alamat," ani Simoun.
     "Kung alamat ang pag-uusapan ay marami niyan dito sa Ilog Pasig," ang sagot ng Kapitan na halatang malaki ang pagpapahalaga. "Ang Alamat ng Malapad na Bato. Noong bago pa dumating ang mga Kastila ay sagrado at pinaniniwalaang espirito sa batongbuhay. Ngunit nawala ang ganoong paniniwala mula nang gawing kuta at tirahan ng mga tulisan."
     "May isa pang alamat na alam naman ni Padre Florentino.  Ang Alamat ni Donya Geronima." 
     "Alam na ng lahay iyan." wika ni Padre Sibyla. 
     "Ngunit hindi pa batid nina Simoun, Ben Zayb, Padre Irene at Padre Camorra ang alamat kaya't hiniling na ikwento iyon ni Padre Florentino."
     "Ayon sa kwento, si Donya Geronima ay isang estudyanteng kasintahan ng isang binatang nagpari sa kabila ng pangakong pakakasalan siya. Naghintay ito na tuparin ang pangako hanggang sa tumaba at tumandang dalaga. Nagsuot-lalaki ito at hinanap ang pari nang malamang maging arsobispo na ito. Dahil hindi maaaring pakasalan ng pari ang babae, itinira niya ito sa kweba. Dito nanirahan, namatay at napalibing ang babae. Sinasabing dahil sa naging napakataba ni Donya Geronima ay kailangang tumagilid ito upang makapasok sa kweba. Ang entrada ng kweba ay napalalamutian ng sala-salabid na mga baging. Pinagkamalan siyang engkantada dahil sa mga pinggan at kubyertos na pilak na inihahagis niya sa ilog matapos gamitin. Sinasalo naman ang mga iyon ng isang lambat na nakalatag sa ilalim ng tubig. Wala pang dalawampung taonang nakararaan, ang ilog ay umurong at naglaho ang kweba tulad ng paglaho ni Donya Geronima sa memorya ng mga AIndiyo."
     "Napakagandang alamat! Gusto kong gawan ng isang artikulo," pahayag ni Ben Zayb.
     Sasabihin sana ni Donya Victoria ang kagustuhan ding manirahan sa isang yungib subalit naunahan siya ni Simoun sa pagsasalita.
     "Sa inyong palagay, Padre Salvi?" hinarap ni Simoun ang Franciscano. "Hindi kaya mas mabuting ipinasok ng arsobispo si Donya Geronima sa isang beateryo, halimbawa'y sa Sta. Clara kaysa sa isang kweba siya tumira."
     Nagtaka si Padre Sibyla sa direktang pagtatanong ni Simoun kay Padre Salvi.
     "Sapagkat para sa akin ay hindi naging marangal iyon," pagpapatuloy ni Simoun. "Hindi kabanalang matatawag ang patirahin si Donya Geronima sa isang kwebang nasa pampang ng ilog at gawing isang engkantadang kalaro ang mga nimpa, o iba pang mga lamang tubig. Higit na kabanalan o matatawag na romantiko ang itira o ikulong na lamang sa Sta. Clara upang madalaw o malibang namang paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo?"
     "Hindi ko mahuhusgahan ang pinawa ng arsobispo," tugon ng Franciscano sa tanong ni Simoun.
     "Bilang isang gobernador eklesiyastiko, kung kayo ang nasa posisyon ng arsobispo, ano ang inyong gagawin?"
     "Hindi na mahalagang pag-isipan o pag-aksayahan ng panahon ang isang bagay na hindi naman mangyayari," marahang tugon ni Padre Salvi. "Alalahanin na lamang natin ang pinakamagandang milagrong nagawa ni San Nicolas."
     Nagkwento si Padre Salvi tungkol sa isang Intsik na hindi binyagan na nabagbag ang bangka sa ilog at muntik nang sagpangin ng buwaya. Tumawag sa santo ang Intsik at himalang naging bato ang buwaya dahil sa himala ni San Nicolas.
     "Kahanga-hanga!" sabad ni Ben Zayb. "Hindi kapani-paniwalang ang isang Intsik na hindi binyagan ay gawan ng himala ng isang santong hindi naman niya pinaniniwalaan. Nais kong isulat bilang artikulo ang alamat na ito."
     "May dalawang katanungan kang maaaring idagdag sa iyong isusulat na artikulo. Una, ano kaya ang nangyari sa buwayang naging bato? Ikalawang tanong, ang mga natuyong hayop kaya na nakita ko sa mga museo sa Europa ay bunga rin ng mga sinaunang santo?" pakli ni Simolun.
     "Sino'ng makakapagsabi?" tanong ni Padre Camorra.
      "Dahil alamat ang ating pinag-uusapan at tayo'y nakapasok na sa lawa, marahil ang kapitan ay maraming nalalaman," ani naman ni Padre Sibyla.
     Nagtanong si Ben Zayb. "Oo nga pala, Kapitan. Alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra, O Ibarra?"
     Lahat ay napatingin dahil sa tanong na ni Ben Zayb maliban kay Simoun na nasa malayo ang tingin.
     "Siyanga|" agad namang sabad ni Donya Victorina. "Saan nga ba rito, Kapitan? May naiwan kayang bakas diro sa tubig?"
Tumingin kayo sa dako roon," ang panimulang wika ng kapitan. "Ayon sa kwento ng kabo ng mga kabo ng mga kawal na tumutugis kay Ibarra, tumalon ito at sumisid nang masukol. Sa tuwing iaangat niya ang ulo ay pinauulanan siya ng mga bala. Hanggang sa naglaho na siya sa kanilang paningin at sa dakong iyon na malapit sa pampang, ang tubig ay nagkulay-dugo. Labintatlong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari iyon."
     "Kung ganoon, ang kanyang bangkay ay....." tanong ni Ben Zayb.
      "Nakasama na ng kanyang ama sa ilog na ito," tugon ni Padre Sibyla.
      "Hindi ba't isang pilibustero ang kanyang ama, Padre Salvi?"
     "Pinakamurang libing, hindi ba Padre Camorra?" tanong naman ni Ben Zayb. 
     "Ang isang pilibustero kailanman ay hindi magkakaroon ng marangyang libing." nakatawang tugon ni Padre Camorra.
      "Ano'ng nangyari sa inyo. Ginoong Simoun?" usisa ni Ben Zayb. "Kayo ba'y nahihilo na sa paglalakbay  na ito? Isa kayong manlalakbay. Nalulula ba kayo sa ganitong klaseng ilog ng isang patak lamang ng tubig ang laman?"
     "Dapat ninyong malamang hindi maaaring ihalintulad sa isang patak na tubig ang ilog na ito. Higit na malaki ang lawang ito sa alinmang lawa sa Suisa o mga lawa sa Espana. Ang mga sanay na marino at mandaragat ay nahihilo rito," pagtatanggol ng kapitan sa lawang napamahal na sa kanya.